Hindi mo na mamimiss ang taho.
Lako tells you pag malapit na ang vendor sa bahay mo. Bawat vendor may sariling tunog, kaya alam mo agad kung sino yung dumadaan, kahit naka-lock ang phone mo.
Isang tunog, isang vendor
Tap para marinig. Ito mismo ang tutunog sa phone mo.
Paano siya gumagana
Piliin ang vendors mo
Pandesal lang? Taho at buko? Ikaw bahala. Then i-set mo ang spot mo at kung gaano kalayo ang babantayan.
Tutunog pag malapit na
Pag pumasok ang vendor sa area mo, tutunog ang phone mo with that vendor's sound. Tap the alert para makita siya sa map.
Usual-time reminders
Wala pang vendor sa app sa lugar niyo? Mag-set ng reminder like "Pandesal, 5:45 AM" para maabangan mo pa rin.
Pabili!
Sabihin sa mga vendor na on route na may gustong bumili sa block niyo. Block lang ang alam nila, hindi ang bahay mo.
Para sa vendors
Mag-sign in with Google, mag-apply, then pindutin ang Start route pag naglalako ka na. Makikita ka ng mga suki mo sa map, at tutunog ang phone nila pag malapit ka na.
Gusto mo sumali bilang vendor?
- Approximate lang ang location mo sa map, mga 55 m, at habang on route ka lang.
- May home zone ka. Pag nasa loob ka nito, hindi ka lalabas sa map.
- Pag End route, wala ka na agad sa map. Walang route history na tinatago.
- Makikita mo kung ilan ang nag-Pabili malapit sa dinadaanan mo.
Sa phone mo lang ang spot mo
Hindi namin alam kung saan ka nakatira. Ang phone mo mismo ang nakikinig sa maliliit na area, mga 150 m, sa paligid ng spot mo, kaya walang customer location na naka-save sa server. Walang ads, walang tracking.